Pinapurihan ng aktor at ngayon ay congressman ng 4th District ng Leyte na si Richard Gomez si outgoing President Rodrigo Duterte at inilarawan ito bilang isa sa mga pinakamahuhusay na naging pangulo ng Pilipinas.
Isinagawa ang oath-taking nila ng kaniyang misis na si Lucy Torres-Gomez, na ngayon ay pumalit sa posisyon niya bilang mayor ng Ormoc City, sa Palasyo ng Malacañang. Malaki umano ang pasasalamat ni Goma sa naging tulong ni Pangulong Duterte sa pagsugpo ng Ormoc City sa droga at pagsasakatuparan ng mga infrastructure programs. Itinuturing daw kasi ang Ormoc City bilang "drug capital in Eastern Visayas".
"Yesterday, Lucy, Vince Rama and I took our oath with President Rodrigo Duterte at the Malacañang Palace. When it was my turn to have a photo with him I thanked the President for helping us with our anti-drug and infrastructure programs in Ormoc."
"For context, from being the drug capital in Eastern Visayas, Ormoc became the safest city in the country during his term, a turnaround that would not have been possible if the Chief Executive had a soft stand on illegal drugs," aniya.
Emosyunal umano si Goma nang magpasalamat sa pangulo, lalo na nang mapagtanto niyang malapit nang bumaba sa puwesto ang pangulo.
"I was almost in tears as I thanked him, realizing that he will be in office for a few more days as our leader.
Thank you, PRRD."
"You will go down in history as one of the best Presidents this country has ever had."
Sinabi raw ng pangulo kay Goma na magkaibigan silang dalawa.