Nagpasalamat ang Malacañang sa mga Pilipinong patuloy na sumusuporta at nagbigay ng tiwala kay outgoing Davao City Mayor at Vice President-elect Sara Duterte.

"We are one with the whole Filipino nation in witnessing with excitement the inauguration ceremony of outgoing Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio as the 15th Vice President of the Philippines," ani acting presidential spokesperson Martin Andanar sa isang press statement.

Nanawagan rin siya sa mga Pilipino na magkaisa at mag-rally sa likod ni Sara at iba pang bagong halal na pinuno upang matiyak ang tagumpay ng bansa.

Aniya, "As we previously articulated, let us stand behind Vice President-elect Duterte-Carpio and all other newly elected leaders as they embark on the responsibilities and challenges of their offices and fulfill their mandate of delivering genuine change to our beloved country."

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Nakatakdang isagawa ni Sara ang kanyang inagurasyon sa bailiwick ng kanyang pamilya, sa Davao City, sa Hunyo 19. Habang si Marcos ay ipapasinaya bilang ika-17 Presidente ng bansa sa Hunyo 30 sa National Museum sa Manila.

Ang inaugural ni Duterte ay magsisimula ng 3 p.m. na may concelebrated na Banal na Misa sa San Pedro Cathedral.

Ang oath-taking rites ay gaganapin sa San Pedro Square.

Si Sara ay panunumpa sa tungkulin bilang ika-15 bise presidente ng Pilipinas ni Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando.

Inaasahan rin na dadalo sa inagurasyon ang running mate ni Sara na si Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

Matatandaang na noong Mayo 25, idineklara ng Kongreso, na nakaupo bilang National Board of Canvassers, sina Duterte at President-elect Bongbong na panalo sa presidential at vice presidential elections noong Mayo 9.