LA TRINIDAD, Benguet – Nasa 15,000 bilang ng fully-grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P3 milyon ang napuksa sa kabundukan ng Barangay Loccong, Tinglayan sa Kalinga, sinabi ng mga awtoridad sa ulat noong Hunyo 16-17.

Limang personalidad din ng ilegal na droga ang inaresto ng pulisya habang patuloy ang kanilang walang humpay na giyera kontra droga sa rehiyon ng Cordillera.

Noong Hunyo 16, naaresto ng pulisya sina Jhonel Yabo Brique, 20; Bernardo Maglantay Campos, 19; Jassem Karl Annay, 35; Limel Niko San Pedro, 34; at Jayson Aquino Bullo, 27, sa magkahiwalay na buy-bust operations.

Sina Jhonel at Bernardo ay inaresto ng mga operatiba ng Baguio City Police Office matapos maaktuhang nagbebenta isang operatiba na nagsisilbing poseur-buyer ng isang plastic sachet ng shabu na humigit-kumulang 0.5 gramo ang bigat na may karaniwang presyo ng droga na P3,400.

Bong Revilla, Jinggoy Estrada kumambiyo rin sa Adolescent Pregnancy Bill

Sa kabilang banda, inaresto si Jayson ng mga operatiba ng BCPO Abano Police Station (PS7) matapos itong magbenta ng isang plastic sachet ng shabu na humigit-kumulang 1 gramo na nagkakahalaga ng P6,800 sa isang operatiba na nagsisilbing buyer.

Sa isa pang buy-bust operation, nahuli si Jassem ng Pacdal Police Station (PS3) ng Baguio Police matapos magbenta ng isang plastic sachet ng shabu na humigit-kumulang 0.5 gramo na nagkakahalaga ng P3,400. Nakuha rin ng mga raid kay Jassem ang isang hiwalay na plastic sachet na naglalaman ng .5 gramo ng shabu.

Ang mga suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa kustodiya ng kani-kanilang operating units para sa dokumentasyon at tamang disposisyon habang ang mga kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ay isasampa laban sa kanila.