Magsasagawa ng general assembly ang Office of the Vice President (OVP) sa Hunyo 27, 2022, tatlong araw bago ang pagbaba ni outgoing Vice President Leni Robredo sa kaniyang puwesto sa Hunyo 30.

Binanggit ito ni OVP spokesperson Atty. Barry Gutierrez sa weekly radio program ni Robredo nitong Linggo, Hunyo 19.

“Sa 27, magkakaroon ng general assembly ang Office of the Vice President. Huling general assembly sa pamumuno ni VP Leni. Sa aking pagkakaalam, nag-extend na ng imbitasyon kay VP-elect Sara na mag-attend kung kanyang gugustuhin,” ani Gutierrez.

Dagdag pa niya, gaganapin ang assembly sa headquarter ng OVP sa Quezon City. 

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Maayos din daw ang transition sa pagitan ng team ni Robredo at team ni Duterte.

Matatandaan na nagpulong na si Robredo at ang transition team ni VP-elect Duterte para matiyak ang "smooth transition" para sa bagong administrasyon.