Pinagmulta ngPhilippine Basketball Association (PBA) si NorthPort coach Pido Jarencio dahil sa pagkomprontakay Blackwater Bossing coach Ariel Vanguardia pagkatapos ng final buzzer ng kanilang laro sa Ynares Center sa Antipolo nitong Sabado ng gabi.

Aabot sa P20,000 ang naging multa ni Jarencio nang banggain nito sa tiyan si Vanguardia sa gitna ng basketball court ilang segundo matapos manalo ang Bossing, 97-90.

Nag-ugat ang usapin nang madismaya si Jarencio matapos mag-timeout si Vanguardia kahit 6.6 segundo na lang ang natitira sa final period na nagbigay ng katiyakan sa Bossing na panalo ito.

Sa panig ni Jarencio, pambabastos umano sa liga at sa kanyang koponan ang hininging timeout ni Vanguardia.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

"Hindi tinira after nungtimeout.Rinig na rinig namin na, ‘O, ‘wag na hawakan mo na lang.’ ibig sabihin walangpurpose‘yungtimeoutmo. Pambabastos ‘yun,' sabi ni Jarencio.

Ayon kay Vanguardia, minura siya ni Jarencio at sinabing wala na silang pagkakataon upang umiskor.

Paliwanag naman ni PBA commissioner Willie Marcial, illegal physical contact ang nagingpaglabag ni Jarencio at katulad itongpaglabag sa pakikipag-usap sa mga referee.

Hawak na ng Blackwater ang 2-1 na kartada habang nalaglag naman sa 2-2 ang NorthPort.

PNA