Ngayong Father's Day, binalikan ni outgoing Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang madalas sabihin at natutunan niya sa kaniyang ama na si Joaquin Domagoso.

"Isa sa mga natutuhan ko sa aking Tatay Joaquin o mas kilalang Botete sa Pier 8 sa Maynila, ay ang pagiging masipag, pursigido, madiskarte at may pagpapahalaga sa pagkakataong ipinagkaloob," ani Domagoso sa kaniyang Facebook post ngayong Linggo, Hunyo 19.

Lagi raw sinasabi ng kaniyang tatay na walang mangyayari kung maghapon lamang siyang nakahilata.

"Laging sinasabi ng tatay ko: "Alam mo, Scott, kapag humilata ka lang d'yan sa bahay maghapon, paggising mo apat na sulok pa rin ang bahay natin.... walang nagbago. Ang problema ay hinaharap at binibigyan ng solusyon, hindi tinutulugan."

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"Kaya kahit hindi niya duty sa pier, pumupunta siya doon at nagbabaka-sakaling maka-extra ng trabaho. Panahon na dapat sana'y inilaan niya sa pagpapahinga sa bahay," kwento pa ng alkalde.

Si Domagoso ay nakatakdang bumaba sa kaniyang puwesto sa Hunyo 30 at handa na rin siyang maging 'Citizen Isko.'