Isa sa mga napag-usapan nina Ogie Diaz at mga kasamang sina Mama Loi at Dyosa Pockoh sa "Ogie Diaz Showbiz Update" ay ang kasalukuyang kondisyon ni Queen of All Media Kris Aquino na nasa Houston, Texas, USA para sa kaniyang gamutan.

Ayon umano sa source ni Ogie, mabuti raw ang response ng katawan ni Kris sa treatments na isinasagawa sa kaniya. Mukhang aabutin umano ng isang taon ang pamamalagi ni Krissy doon upang magpagamot.

“In fairness naman, sabi ng aking source, eh nagre-respond naman daw si Kris Aquino sa mga treatments na isinasagawa sa kaniya,” pahayag ng showbiz columnist.

Ang huling update ni Kris tungkol sa kaniya ay noong Hunyo 3.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

"Iyong iba kasi wala sila nababasa tungkol kay Kris. Kumbaga siguro nag-absent muna, nagpahinga pansumandali itong si Kris Aquino. Pero malay natin hindi rin makakatiis ang lola n'yo. Babalitaan din niya kayo straight from the horse’s mouth, live from Houston, Texas.”

Matatandaang sa kaniyang huling Instagram post ay sinabi ni Kris na medyo matagal-tagal siyang makakapag-update.

"Maraming salamat po sa lahat ng nagdasal for my recovery. Here’s the TRUTH as explained by my attending physician Dr. Niño Gavino, an exceptional Filipino American doctor based in Houston who successfully diagnosed what’s really wrong with my health," ani Kris.

"I’ll miss you- my friends & followers very much. Time is now my enemy, naghahabol kami hoping na wala pang permanent damage to the blood vessels leading to my heart."

"So many people to thank but I choose to do that privately. #grateful."

"For now and the next few years- sadly, it’s goodbye. Praying na kayanin ng katawan ko itong matinding pagsubok."

"Kahit 17 hours away na kami nila Kuya Josh & Bimb to fly to & the Pacific Ocean separates the (bandila ng Pilipinas) from (bandila ng USA), I’d still like to end this with #lovelovelove."

Samantala, sa kaniyang entertainment vlog na "Showbiz Now Na", nanawagan naman si showbiz columnist Cristy Fermin para sa sabay-sabay na panalangin para kay Kris.

"Isang source ko po ang nagkuwento na ito ‘yong hospital nasa kabilang building (muwestra) sa isang facility dahil kailangan muna niyang sumailalim sa eksaminasyon ng kaniyang vital signs. Kailangan naman talaga ‘yon… Vital signs muna chine-check up muna kung anong kaya o anong hindi. Unang-una si Kris hindi puwede sa stereoids. Ang epekto sa kaniya ng stereoids, nabibiyak-biyak ‘yong kaniyang balat, nanghihina, bumabagsak, kuwento ni Cristy.

"Ang sama-samang panalangin po ay mas mabilis na nadidinig at nakararating sa langit,” aniya pa.