Ipinakilala na ni Madam Inutz sa kaniyang YouTube channel ang bagong nagpapatibok sa kaniyang puso, ang kapwa breadwinner at single dad na si Tantan.

Matapos unang ibahagi ng online personality at ex-PBB housemate na si Madam Inutz ang kanyang relasyon sa social media kamakailan ay agad itong umagaw ng atensyon sa publiko.

Aniya, marami rin agad humusga sa pagkatao ni Tantan kabilang ang tunay na intensyon nito sa kaniya at ang katotohanan umano ukol sa kasarian nito.

Dahil dito, sa isang YouTube vlog, nilinaw at ipinakilala na ni Madam Inutz sa kanyang subscribers ang katauhan ni Tantan kung saan makikita ang malapit nang pisikal na ugnayan ng dalawa.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dito binasag ng bagong YouTube couple ang mga ibinatong chismis umano ng netizens kay Tantan.

Si Madam Inutz din mismo ang nagkumpirma na sa isang entertainer sa club ng kaniyang manager na si Wilbert Tolentino nagtatrabaho si Tantan. Sinupalpal ng YouTube personality ang mga maling pananaw sa mga entertainer sa mga club na aniya’y may sarili ring mga pagsisikap, at kuwento sa buhay.

Pinabulaanan din ni Tantan mismo ang mga nagsasabing pera lang ang habol niya kay Madam Inutz.

Pagtatanggol naman ng girlfriend, “Mas mapera pa siya sa'kin... Mas malakas pang kumita sa'kin 'to mga inutil.”

“Hindi po ako gumagastos sa mga lalaki,” sabi pa ni Madam Inutz sa parehong vlog.

Binasag din ni Tantan ang mga lumabas na komento tungkol umano sa kaniyang tunay na kasarian at sinabing isa siyang “straight.”

Bagaman magkadikit na ang dalawa sa vlog ay sinabi ni Madam Inutz na mababaw pa lang ang kanilang kasalukuyang relasyon at kinikilala pa nila ang bawat isa.

Dagdag niya, ang pagiging breadwinner, ang pagpupursige sa pamilya at ang pagiging single parent ang ilan sa mga bagay na nakasunduan nila ni Tantan

Mensahe naman ni Madam Inutz sa kaniyang bashers, "Maging masaya na lang tayo sa mga taong nakita na ang kanilang kaligayahan."