Binigyang-pugay ng human rights lawyer na si Chel Diokno ang ama at dating senador na si Jose Diokno ngayong Father’s Day, Hunyo 19.

Sa isang Instagram post, nagbahagi ng throwback photo ang abogado kasama ang kaniyang mga magulang at siyam na kapatid.

“Happy Father’s Day sa lahat ng mga tatay! Thank you Dad, for being a father not only to me but also to our people. To paraphrase the “Song for my Father”, if there was ever a man who was generous with advice and encouragement, gracious with everyone he met, and good in mind and action, that was you,” mababasa sa Instagram post ng abogado.

“I will always treasure your letters to me, your presence, and your wisdom,❤️” dagdag niya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa kaniyang panayam sa Toni Talks noong Agosto 2021, ibinahagi ng abogado ang naging malaking papel ng kaniyang ama sa pagiging magulang sa mga anak ngayon.

“The same way how my parentstreated me is how I treat my children. My folks, they never looked down on us. Even when we were small, ang trato sa amin hindi naman parang bata lang. They respected the fact that we could think and Itrytoadopt the sameapproach to my children,” sabi noon Chel.

Sa kaniyang ama din nakakuha ng inspirasyon si Chel sa kaniyang pag-aabogasiya.

“My dream really was to be a human rights lawyer. It sounds a bit melodramatic but wala naman sa ambisyon ko ‘yong maging super mayaman na abogado o kaya maging any kind of super star lawyer, I just wanted to continue what he was doing,” sagot ni Chel nang tanungin noon ni Toni Gonzaga ang naging pangarap nito habang lumalaki.

Basahin: Chel Diokno sa Toni Talks, sinariwa ang alaala noong masaksihan ang pagdakip sa ama – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala, hindi naman nakalimutang batiin si Chel ng kaniyang mga tagasuporta at followers ngayong Father’s Day.

Kabilang sa mga bumati ang bunsong anak ni outgoing Vice President Leni Robredo na si Jillian.

Muling natalo sa kaniyang pangalawang senatorial bid si Chel noong May 9 elections.