Nanawagan ang isang kongresista at dating kalihim ng Department of Health (DOH) na dapat ay palawakin pa ng gobyerno ang pagtuturok nito ng booster doses para tuluyang mabigyan ng sapat na proteksyon ang publiko laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19).
Ayon kay Iloilo 1st District Rep. Janette Garin,hindi sapat ang proteksyon ng publiko mula sa primary vaccination series kaya nagkakaroon ng biglaang hawaan ng sakit.
"Everything must be backed by science. Trials have established the benefits of receiving two boosters. Those who would like complete protection should be allowed to do so and be given the option," pahayag ni Garin.
Aniya, malaking bagay na mabigyan ng booster shots laban sa Delta at Omicron variant ng Covid-19 at iba pang sub-variants nito.
Matatawag lamang aniya na "fully-vaccinated" kung nakakumpleto na ng primary vaccination series at dalawang booster shots.
Inirekomenda nito sa pamahalaan na gawing tatlong doses ang itinuturok na bakuna dahil na din sa bagsik ng virus at epekto nito sa pagbabakuna.
"Walangoverdosesa bakuna. Kailangan maintindihan ito ng taong bayan.Kailangan lang natin ng mga tamang tao at eksperto na mag-explainngvaccinationsa ating mga kababayan para maalis ang mga agam-agam at takot," sabi pa nito.
Nitong Hunyo 17, lumabas sa datos ngNational Vaccination Operations Center na umabot na sa70,005,247 o 77.78 percent ng target population ang fully-vaccinated na laban sa virus.
PNA