Ipinagdiwang ng mga miyembro ng lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex, at asexual (LGBTQIA+) na mga organisasyon gayundin ng mga opisyal ng ng barangay ng ikalimang distrito ng Quezon City ang Pride Month noong Sabado, Hunyo 18.

Present si incumbent Mayor Joy Belmonte sa ginanap na event sa Barangay Greater Lagro Centennial Park.

Sinabi ni Belmonte na ang lahat ng mga residente sa lungsod ay ligtas mula sa diskriminasyon anuman ang kanilang oryentasyong sekswal at pagpapahayag ng pagkakakilanlan ng kasarian at ang komunidad ng LGBTQIA+ ay makakaasa ng isang mapagmalasakit, patas, inklusibo, at progresibong Quezon City.

Mayroon ding mga social hygiene at sundown clinic na itinatag sa lungsod upang tulungan ang mga indibidwal na may human immunodeficiency virus (HIV).

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Dumalo rin sa naturang aktibidad sina Brgy. Greater Lagro Chairman Leo Garra, District 5 Action Officer William Bawag, at LGBTQIA rights advocate na si Perci Cendana.

Idaraos ng pamahalaang lungsod ang pagdiriwang ng Pride Month sa Hunyo 25 sa Quezon City Memorial Circle.

Aaron Homer Dioquino