Halos 7 milyong bagong botante ang nagparehistro noong nakaraang botohan noong Mayo 9, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Lumalabas sa datos ng Election Registration Board (ERB) na inilabas ni Comelec Spokesperson John Rex C. Laundiangco na may kabuuang 6,950,458 na bagong botante ang nagparehistro noong Pebrero 14.

Ayon sa pinakahuling datos, ang Rehiyon IV-A o Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon) ang may pinakamaraming bilang ng mga nagparehistro sa iba pang rehiyon, na mayroong kabuuang 1,083,828.

Ang Calabarzon ay sinundan ng National Capital Region (NCR) na may 982,520 bagong rehistradong botante.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Pangatlo sa may pinakamataas na bilang ng mga nagparehistro sa mga rehiyon ay ang Region 3 o Central Luzon na may 792,598.

Samantala, ang rehiyon na may pinakamaliit na bilang ng mga bagong nagparehistrong botante ay ang Cordillera Administrative Region (CAR) na may 111,057.

Ang CAR ay sinundan naman ng Caraga na may 137,751 registrants.

Jel Santos