Nadagdagan pa ng 612 ang kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa nitong Hunyo 19, ayon sa Department of Health (DOH).
Sa datos ng DOH, 293 sa nasabing kaso ang naitala sa Metro Manila.
Ito na ang pinakamataas na kaso ng sakit na naitala simula noong Abril 3, ayon sa ahensya.
Umabot naman sa 4,529 ang aktibong kaso nito at lumobo pa sa 3,696,264 ang kumpirmadong nahawaan sa Pilipinas.
Simula Hunyo 12-18 ng taon ay nakapagtala ang ahensya ng positivity rate na 3.1 porsyento, mataas ng 1.9 porsyento kumpara sa nakaraang linggo.
Matatandaan na Enero 30, 2020 nang maitala ang unang kaso ng sakit sa Pilipinas na na-detect sa isang Chinese na nanggaling sa Wuhan, China.