Kahit natanggap si Tricia Robredo sa prestihiyosong Harvard Medical School sa Amerika, hindi niya nakalimutan ang kaniyang ama na si Jesse Robredo.
Sa isang Instagram post nitong Sabado, Hunyo 18, ibinahagi niya ang larawan nila ng kaniyang ama at ang tila welcome message ng prestihiyosong paaralan.
"Taken two decades ago and we’ve been manifesting ever since," ani Tricia.
"Happy father’s day weekend to the OG who taught us how to dream," dagdag pa niya.
Namatay ang dating DILG secretary noong 2012 dahil sa plane crash.
Kuwento ni outgoing Vice President Leni Robredo, dalawang beses na-postpone ang residency ni Tricia. Una noong tinulungan siya nito noong kasagsagan ng pandemya at ang pangalawa noong panahon ng kampanya.
“After passing the Medical Boards, Tricia had to postpone getting into a Residency Program twice. The first one was when I asked her to help us out with our Covid Response Operations. When our Covid situation got a little better, she planned on starting her Residency in January 2022,” pagbabahagi ni Robredo sa isangFacebook post, Sabado, kalakip ang acceptance letter para kay Tricia.
“When I suddenly decided to run in October 2021, she felt I would need her in the campaign and decided to forgo it the second time,” dagdag niya.
Basahin:https://balita.net.ph/2022/06/17/tricia-robredo-natanggap-sa-prestihiyusong-harvard-medical-school/
Kaya naman labis ang tuwa ni Tricia maging ng kaniyang mga kapatid na sina Aika at Jillian dahil 'it's a dream come true' nga naman.