May mga paraan para maiwasan ang pag-aaksaya ng Covid-19 vaccines na malapit nang mag-expire, sabi ng isang health reform advocate nitong Sabado, Hunyo 18.

Isa rito ang rebisyon ng booster vaccination guidelines ng bansa, ani health reform advocate at dating special adviser ng National Task Force (NTF) laban sa Covid-19 na si Dr. Anthony "Tony" Leachon.

“It is time to revise our guidelines in the Philippines! Lots of vaccines to expire, co-morbid conditions around, and with lots of sub-variants!,” said Leachon.

Sa ilalim ng rekomendasyon ng CDC, ang mga nasa hustong gulang na 50 taong gulang at mas matanda, pati na rin ang mga batang may edad na 12 taong gulang at mas matanda na katamtaman o malubhang immunocompromised ay karapat-dapat na makakuha ng pangalawang booster jab.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Samantala, sa Pilipinas, tanging ang mga healthcare worker, mga indibidwal na may edad 60 taong gulang pataas, gayundin ang mga immunocompromised sa ngayon ang pinapayagang mabakunahan ng pangalawang booster dose.

Humigit-kumulang 580,000 indibidwal sa bansa ang nakatanggap ng kanilang pangalawang booster jab noong Hunyo 13, 2022.

Pangalawang jab para sa pangkalahatang populasyon

Sa gitna ng panawagan para sa rebisyon ng mga alituntunin sa bakuna ng bansa, itinutulak din ang pagbibigay ng pangalawang Covid-19 booster jab sa pangkalahatang populasyon.

“Maybe we should really consider [the administration of a second booster to the general population] now with all these uptick [in cases]. Data have shown that booster doses actually expound [our] immune responses against these variants,” saad ni Vaccine Expert Panel (VEP) Chairperson Nina Gloriani sa isang panayam sa ANC, Huwebes, Hunyo 16.

Gayunpaman, sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa isang media forum na ginanap noong Miyerkules, Hunyo 15, na ang second booster shots ay ibibigay lamang sa pangkalahatang populasyon kung ito ay makatanggap ng amended emergency use authorization (EUA) mula sa Philippine Food and Drug Administration. (FDA).

Charlie Mae. F. Abarca