Ang arawang bilang ng kaso ng Covid-19 sa bansa ay maaaring umakyat ng hanggang 1,200 sa katapusan ng buwang ito kung magpapatuloy ang pagtaas ng mga impeksyon, nagbabala ang Department of Health (DOH) nitong Sabado, Hunyo 18.
“Projections that by the end of June ay maaari po na aabot tayo to 800 to 1,200 cases per day kung magtutuloy-tuloy po ang mga kaso natin sa ngayon,” sabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Sinabi ni Vergeire na ang average daily case sa buong bansa ay nasa mahigit 300 na.
“Sa ngayon po nakikita natin na patuloy po ang unti-unting pagtaas ng kaso sa iba’t ibang bahagi ng bansa,” aniya.
“Currently, we are averaging around 350 cases per day nationally kung saan kapag tiningnan natin from the previous week ay tumaas talaga siya,” dagdag niya.
Pinaalalahanan ng opisyal ng DOH ang publiko na maaari pa ring baligtarin ang senaryo na ito.
Analou de Vera