Nakumpiska ng mga pulis ang P503,200 halaga ng shabu (methamphetamine hydrochloride) sa anti-illegal drug operations sa Taguig at Muntinlupa City noong Hunyo 17 at 18.

Nagsagawa ng anti-illegal drug operation ang Muntinlupa Police Drug Enforcement Unit (DEU) sa Avanceña Street sa Katarungan Village, Barangay Poblacion Biyernes ng gabi, na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na si Al Rashid Timbayan.

Nasamsam sa operasyon ang apat na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 55 gramo na may halagang P374,000 at P1,000 buy-bust money.

Samantala, nagkasa rin ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Taguig Police DEU noong Hunyo 17 sa Roldan Street, Barangay Lower Bicutan, Taguig at naaresto si Johm Louwel Albacite, 23, isang CCTV (closed-circuit television) installer.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nakuha sa kanya ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 19 gramo na nagkakahalaga ng P129,200 at P200 na buy-bust money.

Sasampahan ng mga pulis ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspek.

Itinurn-over ang mga hinihinalang droga sa Southern Police District (SPD) Forensic Unit para sa chemical analysis.

“I commend our operatives for their unrelenting operation to control illegal drugs that causes multiple problems in families, communities and drug related crimes. I also urged the public to support us in our campaign in combating illegal drug menace,” sabi ni director Brig. Gen. Jimili Macaraeg.

Jonathan Hicap