Naging usap-usapan sa social media noong Mayo ang Facebook post ng isang netizen na nagngangalang 'Love Alejandria-Dorego', isang car company employee, matapos niyang ibahagi ang naranasan ng isang retiradong guro na hindi umano pinansin at pinapasok sa kalabang car company sa Davao City, na titingin sana ng mabibiling kotse.

Nakilala ang naturang retiradong guro na si 'Tatay Manuel'.

"The Story of Tatay Manuel at Suzuki Auto Davao Lanang (GRAND CANYON)," pamagat ng netizen sa kaniyang FB post nitong Mayo 20.

Hindi raw pinapasok si Tatay Manuel sa naturang car company dahil sa kaniyang hitsura: luma kasi ang kaniyang damit, may butas ang sapatos, at may karumihan ang suot na face mask.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

"Last Tuesday, May 17, before going to Suzuki, Tatay Manuel went to ____a’s Showroom, however, he said he wasn't allowed to get in 😞 maybe because of his outward appearance, wearing very old and stained clothes, dilapidated and holed shoes, and a dirty mask."

Kaya naman lumipat na lamang at tumingin sa kanilang car company si Tatay Manuel. Hindi naman sila nagpatumpik-tumpik na papasukin sa loob ang matanda upang makapili ng bibilhing kotse. Inasikaso naman ito ng mga staff.

Nang makapili na ito, nangako itong muling babalik at babayaran ng cash ang kotse. Hindi raw ito nagdala ng pera dahil natakot ito. Nag-commute lamang daw kasi ito sa isang pampasaherong jeep.

"He walked into our Showroom at Lanang but we didn’t hesitate to let him in and entertained him, asking what unit he wants to inquire about, he said he wants to buy a unit. After presenting our displayed cars he decided to buy the S-presso he said he’ll pay it in cash, but, he will go back the next day because he didn't bring his money with him being afraid to bring the cash while riding a bus and a jeepney."

Nang sumunod na raw, bumalik nga si Tatay Manuel at binayaran ng cash ang kotse.

"Indeed, the next day he came back and my Sales Executive Michael accompanied him at home to get the full payment using the car of our branch head Sir Donnie."

Kuwento ni Tatay Manuel, wala raw siyang kasama sa buhay.

"The following day we released his unit and since he’s still relearning how to drive Michael drove his unit going to his home.

Tatay doesn’t have a family, he said a woman just took advantage of him and took his money away. He is a retired Teacher."

Kaya lesson learned para kay Love, "Here in SUZUKI AUTO DAVAO- LANANG, We never underestimate anyone. We will cater for all walks of life whether well-groomed or not."

"LESSON LEARNED: NEVER UNDERESTIMATE ANYONE. TREAT EVERY PERSON EQUALLY."

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/21/lolong-hindi-pinapasok-sa-isang-car-company-bumili-ng-kotse-sa-kalaban-at-nagbayad-ng-cash/">https://balita.net.ph/2022/05/21/lolong-hindi-pinapasok-sa-isang-car-company-bumili-ng-kotse-sa-kalaban-at-nagbayad-ng-cash/

Marami sa mga netizen ang naantig ang damdamin sa kaniyang kuwento, at isa raw siyang patunay na huwag husgahan ang tao batay sa kaniyang panlabas na anyo.

Nitong Biyernes, Hunyo 17, ibinahagi sa Facebook page ng car company na "Suzuki Philippines" sa Davao City na nakaharap ng retiradong guro ang general manager ng car company na tumanggap at walang paghuhusgang umasikaso sa kaniya sa pagbili ng kotse.

"Suzuki Philippines' General Manager, Mr. Norihide Takei, finally meets Lolo Manuel," ayon sa Facebook post.

"Lolo Manuel is an 80-year-old proud owner of a Suzuki S-Presso who gets to experience what the Suzuki way of life is all about."

Makikita sa kalakip na litrato na may handog na token si Takei para kay Lolo Manuel. Mukhang mas lumakas umano ang benta ng naturang car company dahil sa nangyari kay Lolo Manuel.