'WHAT A JOURNEY IT HAS BEEN'

Ibinahagi ng TV host na si Bianca Gonzalez ang kaniyang journey sa reality show na 'Pinoy Big Brother' simula pa lamang noong naging housemate siya hanggang sa maging host nito.

"From housemate to host, from 3rd Big Placer to announcing the Big Winner, from Kuya's Angels to Pamilya Ni Kuya. WHAT A JOURNEY IT HAS BEEN," ani Bianca sa kaniyang Instagram post nitong Biyernes, Hunyo 17.

Labis ang pasasalamat ni Bianca sa mga taong bumubuo ng show kabilang dito ang direktor na si Direk Lauren Dyogi, mga boss, at maging ang mga co-host niya na sina Robi Domingo, Melai Cantiveros, Kim Chiu, Enchong Dee, Maymay Entrata, Sky Quizon at Richard Juan. 

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Hindi rin nawala sa kaniyang pinasalamatan sina Toni Gonzaga at Mariel Padilla na naging co-host niya sa PBB. 

"To @celestinegonzaga and @marieltpadilla who welcomed me to the show with open arms, so much of what I know as a host and about myself is because of them, and to this day even if they've moved forward have been such cheerleaders, thank you and I love you both for life," sey ni Bianca. 

Sina Bianca, Mariel, at Toni ang tatlong main hosts ng nasabing reality show at tinagurian silang “Kuya’s Angels.” 

Matatandaan na unang umalis ng PBB si Mariel noong 2016 dahil sa kaniyang maselang pagbubuntis. Noong Pebrero, nagresign si Toni sa PBB matapos ang 16 na taon. Matatandaan na naging kontrobersyal ang kaniyang pagsuporta kina Bongbong Marcos at Sara Duterte noong panahon ng kampanya. 

"Kuya, ang haba na nito, pero maraming salamat for being a huge part of my life. Hanggang sa muling pagbubukas ng bahay ni Kuya," sey pa ni Bianca.

Noong nakaraang buwan lamang natapos ang Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 na kung saan itinanghal na Big winner si Anji Salvacion mula sa celebrity kumunity.