Nasunog ang bahagi ng Metropolitan Theater sa Arroceros, Maynila nitong Biyernes ng umaga.

Sa paunang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), biglang sumiklab ang bahagi ng padre Burgos Wing na nasa unang palapag ng gusali dakong 8:55 ng umaga.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na naapula dakong 9:41 ng umaga.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang eksaktong halaga ng natupok at sanhi ng insidente.

National

Sen. Imee sa sinabi ni Tiangco: 'Panahon na para ibasura ang impeachment ni VP Sara'

Ayon sa National Commission and Culture and the Arts, binuksan ang Metropolitan Theater noong Disyembre 10, 1931. 

Gayunman, nasira ito dahil sa World War 2. Hindi na rin ito napakinabangan at lumikha pa ng iringan sa pagitan ng city government at Government Service Insurance System kaya isinara noong 1996.

NoongDisyembre 10, 2021, muli itong binuksan matapos isailalim sa rehabilitasyon.