Hindi pa rin lubos na maisip ni outgoing Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na posible pala na maging alkalde ng Maynila ang isang batang naging basurero na kagaya niya.

Sa kaniyang Facebook post, tila 'di pa rin makapaniwala si Domagoso na naging alkalde siya ng Kapitolyo ng Pilipinas.

"Kapag nagmumuni-muni ako, hindi ko sukat-akalain, ni sa panaginip, hindi ko maisip na posible pala na ang isang batang nasadlak sa hirap, naging basurero, kumain ng tira ng tao sa basurahan, naging sidecar boy, ay pwedeng maging alkalde ng Lungsod ng Maynila na Kapitolyo ng Pilipinas," saad niya.

"Patunay lang na walang imposible sa mga taong naniniwala at nagtitiwala na kayang gawin ng Diyos ang mga bagay na imposible," dagdag pa niya.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Bago pa lamang maging mayor ng Maynila, naging konsehal siya ng 1st District sa Maynila noong 1998 hanggang 2007.

Pagkatapos ng termino, nanalo siya bilang vice mayor ng lungsod noong 2007 hanggang 2016.

Ngayon ay nabigo siyang manalo bilang pangulo ng Pilipinas. Sa Hunyo 30, handa na raw siyang maging 'citizen isko.'