DAGUPAN CITY -- Idineklara ng Malacañang ang Hunyo 20 bilang special non-working day para sa 75th Founding Anniversary ng lungsod.
Sa awtoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte, nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang Proclamation No. 1398 nitong Hunyo 17, 2022 na nagdedeklara sa Hunyo 20 (Lunes) bilang special non-working day.
“It is fitting and proper that the city of Dagupan be given full opportunity to celebrate and participate in the occasion with appropriate ceremonies, subject to the public health measures of the national government," ayon sa proklamasyon.
Ang Dagupan ay naging lungsod sa bisa ng Republic Act 170 na inakda noon ni House Speaker Eugenio Perez na nilagdaan bilang batas ni dating Pangulong Manuel Roxas noong Hunyo 20, 1947.
Kilala ang Dagupan City bilang tahanan ng pinakamasarap na bangus sa mundo.