LUNGSOD NG BAGUIO – Isang barangay dito ang nagbigay ng libreng gasolina sa mga jeepney driver na umiinda sa pagtaas ng presyo ng langis.

Ang Barangay AZCKO (Abanao, Zandueta, Chugum, Kayang, at Otek), na may pinakamalaking terminal ng pampasaherong jeepney sa lungsod, ay nagbigay ng 1.5 litro ng diesel sa 43 jeepney driver mula sa iba't ibang organisasyon ng jeep noong Hunyo 15.

Ayon kay Barangay Chairman Jefferson Cheng, naging posible ito ng mga donor na nagnanais na manatiling anonymous.

“This is part of the social responsibility of our barangay. We have become accustomed to distributing aid especially during the pandemic. We thought to pay attention to these jeepney drivers who are struggling from the high price of gasoline. Even if they are not residents of our barangay, they work here in our area,” ani Cheng.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

“Right now, jeepneys are still alternating, so it’s hard for our drivers and in addition to the high prices of gasoline, traffic is also a problem and this little fuel subsidy is a big help to them.”

Sinabi ng isang jeepney driver na nararamdaman na niya ang epekto ng mataas na presyo ng langis.

“In the almost 20 years I’ve been driving, only now we felt hardship, because we alternate our trips, the price of gasoline is high, and traffic is still a problem,” anang jeepney driver na si Jett Alviar.

Pinasalamatan niya ang Barangay AZCKO sa tulong na kanilang ibinigay at umaasa na magpapatuloy ang programang ito.

Ibinunyag ni Alvin Quinones, isang jeepney dispatcher, na maraming mga tsuper ang lumipat ng trabaho nitong mga nakaraang buwan dahil hindi na sapat ang kanilang kita sa pagmamaneho ng mga jeep para sa kanilang mga pamilya.

Sinabi ni Cheng na umaasa siyang para sa isa pang round ng subsidy matapos mangako ng isang gasoline station na mag-donate ng gasolina para sa mga jeepney nang marinig niya ang programa.