Nakatakdang kumpunihin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang ilang mga kalsada sa Metro Manila ngayong weekend.

Sa inilabas na abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magsisimula ang pagsasaayos ng mga kalsada ngayong Biyernes, Hunyo 17 dakong alas-11 ng gabi.

Kabilang dito ang EDSA Santolan SB, San Juan City, innermost lane magmula Connecticut St. papuntang Rochester St.; 

EDSA Quezon City NB paglampas ng Aurora Blvd. – EDSA tunnel (end of asphalt) hanggang New York St. (EDSA Carousel Bus lane) Aurora Blvd. hanggang Kamuning Road 1st lane buhat sa sidewalk (Intermittent section) pagkatapos ng Kamuning Rd. hanggang JAC Liner Bus Station (katabi ng concrete barriers/center island);

VP Sara, FPRRD, pinilahan umano ng 40,000 katao sa kanilang Pamasko sa Davao City

C-5 Road Northbound (3rd lane), Makati City;

C-5 Road Southbound (2nd lane), Makati City; Batasan Road IBP- San Mateo Rd hanggang Sampaguita St., (1st lane buhat sa sidewalk);

Commonwealth Ave. NB Quezon City, Zuzuareggui St. hanggang harapan ng Diliman Preparatory School (2nd lane mula sa MRT Area); 

Cloverleaf (CHN.000 – CHN 258) patungong NLEX NB; Cloverleaf (CHN.000 – CHN 234) papuntang NLEX SB; 

at C-5 Road along Pasig Blvd. Southbound, harapan ng 7/11, Brgy. Pineda.

Ang mga apektadong kalsada ay bubuksan sa mga motorista sa Lunes, Hunyo 20 sa ganap na alas-5:00 ng madaling araw.

Pinapayuhan ng MMDA ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta upang hindi maabala.