Sangkot umano sa pagpatay sa isang Filipino-Chinese businessman si Joel Sanvicente, ama ng nag-viral na SUV driver na nanagasa ng isang security guard sa Mandaluyong City, kamakailan.

Ayon sa panayam kay Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) president Arsenio "Boy" Evangelista ng abogado.com.ph nito lamang Huwebes, Hunyo 16, si Sanvicente ang inakusahang pumatay sa isang lalaki sa harap ng ATM booth ng Far East Bank sa Katipunan Avenue, Quezon City noong Hunyo 11, 1995 dakong 5:30 ng hapon.

Sinabi umano ni Evangelista na binaril umano ni Sanvicente ang lalaki na nagngangalang Dennis Wong, na isa umanong Filipino-Chinese businessman. 

Sa record ng Korte Suprema, binaril umano ni Sanvicente si Wong matapos umano siyang tangkaing pagnawakan ng malaking pera na kaka-withdraw lamang niya mula sa ATM.

Human-Interest

'Puro kayo Labubu, mas masaya to!' Paper dolls noong 90s, naghatid ng nostalgia

Natagpuan ng mga rumespondeng pulis ang nakahandusay na biktima sa parking space sa harap ng nasabing bangko.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang limang basyo ng bala ng Cal. 45 pistol, dalawang bala ng nasabing baril at isang ATM card na may pangalang Violeta Sanvicente.

Ipinakita rin sa record ng Korte Suprema na ang isinuko ni Joel Sanvicente na Cal. 45 sa pamamagitan ng kanyang abogado, ay tumugma sa mga slug at shell na natagpuan sa lugar ng krimen.

Ang kotse naman nito ay narekober ng mga imbestigador sa isang lugar sa San Isidro, Nueva Ecija noong Hunyo 13, 1995, dalawang araw matapos barilin si Wong.

Bukod dito, ang Medico-Legal Officer na nagsagawa ng autopsy sa bangkay ni Wong ay nabigong humarap sa paglilitis. 

Humiling umano ang kampo ni Sanvicente na maghain ng 'demurrer to evidence' na pinagbigyan ng trial court. 

Noong Agosto 29, 1996, naghain ng 'Motion to Dismiss' ang kampo ng akusado dahil sa kawalan ng positibong pagkakakilanlan sa pumatay kay Wong. 

At noong Oktubre 7, 1996, naglabas ng kautusan ang trial court na nagbabasura sa kaso ni Sanvicente dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Kaugnay nito, ibinunyag ni Evangelista na ang Joel Sanvicente na kinasuhan sa pagpatay kay Wong at ama ng viral SUV driver na si Jose Antonio Sanvicente, ay iisang tao.