Hindi umubra ang home court advantage ng Boston Celtics matapos pataubin ng Golden State Warriors, 103-90, at tuluyang  maiuwi ang kampeonato sa 2022 NBA Finals nitong Huwebes ng gabi (umaga sa Pilipinas).

Nakuha ng Warriors ang 4-2 tagumpay sa kanilang best-of-seven championship series at naging ikalawang koponang humablot ng tropeo sa home court ng Boston kung saan unang nagawa ito ng Los Angeles Lakers noong 1985.

Pinangunahan ni Steph Curry ang kanyang koponan nang humakot ng 34 puntos, pitong rebounds at pitong assists, bukod pa ang ambag nina Andrew Wiggins (18 puntos) Jordan Poole (15 puntos), atDraymond Green na nakaipon ng 12 puntos, 12 rebounds, walong assists, dalawang steals at dalawang blocks.

Sa panig ng Celtics, halos siJaylen Brown lang ang kumayod matapos kumamada ng 34 puntos.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Umabante ng 15 puntos ang Warriors matapos ang 1st half at naging 22 pa ito sa ikatlong bahagi ng laro.

Humabol pa ang Celtics nang magtala ito ng 15-2 run, 74-65, gayunman, hindi na nagpabaya ang Warriors hanggang sa matapos ang laro.