Dismayado si outgoing Senate President Vicente Sotto III dahil hindi pa ikinulong ang nanagasang SUV driver kahit sumuko na ito sa Philippine National Police nitong Miyerkules, Hunyo 15.

Sumuko ang SUV driver na si Jose Antonio Sanvicente kay Philippine National Police (PNP) officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao nang magtungo ito sa Camp Crame, kasama ang mga magulang at abogado. Binigyan ito ng PNP chief ng media time at sinabing hindi pa ito makukulong.

Matatandaan na si Sanvicente ang sumagasa sa security guard na si Christian Joseph Floralde sa Mandaluyong noong Hunyo 5.

Metro

Driver ng SUV na sumagasa ng sekyu sa Mandaluyong, sumuko na!

Dahil dito, ipinahayag ni Sotto ang kaniyang pagkadismaya sa isang tweet nitong Huwebes, Hunyo 16.

"Kapag mahirap nagnakaw ng bayabas kulong agad! What’s happening to our country Mr President?" saad niya nang i-retweet niya ang tweet ng batikang mamamahayag na si Karen Davila, na naglabas din ng saloobin.

https://twitter.com/sotto_tito/status/1537265746136694786

Bago ito, nag-reply muna si Sotto sa tweet ni Davila at sinabing dapat ay ipa-drug test agad ang suspek.

Pagtatanggol ni Danao, hindi na maaaring isailalim sa inquest proceedings si Sanvicente dahil lumipas na ang panahon para dito.

Kung titignan kasi umano ang alituntunin, tanging ang mga taong nahuli nang walang warrant ang maaaring isailalim sa inquest proceeding.

Sa ilalim ng mga patakaran, ang isang walang warrant na pag-aresto ay maaari lamang gawin kung ang tao ay gagawa, gagawa, o nakagawa lamang ng isang krimen. Dahil 10 araw na ang lumipas mula nang gawin ang dapat na krimen, hindi na madakip si Sanvicente.

Nangangahulugan ito na makukulong lamang si Sanvicente kung makakita ang prosekusyon ng probable cause at magsampa ng kaso sa Regional Trial Court, na maglalabas ng utos ng pag-aresto laban sa suspek.