CAMP DANGWA, Benguet – Siyam na high powered firearms ang boluntaryong isinuko sa pulisya ng Mayor at Vice Mayor ng bayan ng Pilar sa lalawigan ng Abra, noong Martes, Hunyo 14, sa Abra Provincial Police Office, Bangued, Abra.

Ang pagsuko sa mga armas ay bilang pagsunod sa inilabas na revocation and confiscation order ni Officer in Charge PNP Chief Lt.Gen.Vicente Danao, Jr.,upang masiguro na ang mga hindi lisensyadong baril ay hindi magamit sa anumang karahasan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sinabi kay Col. Maly Cula, provincial director, sa pamamagitan ng legal counsel nina Mayor Mark Roland Somera at Vice Mayor Josefina “Jaja” S. Disono, ay inihatid nito ang anim na pistola, dalawang shotgun at isang revolver sa provincial headquarters.

Ayon kay Cula, isinuko ni Somera ang isang pistol (Cal. 40) Glock GEN 4; isang revolver (Cal. 357) Smith and Wesson, isang pistol (Cal. 45) Glock; isang shotgun (12 Gauge) SPAS; isang pistol (Cal. 9mm) CZ; isang pistol (Cal. 9mm) STRBOG; isang pistol (Cal. 9mm) MOSSBERG at isang pistol (Cal. 45) ARMSCOR M1911 ROCK STD.

Ipinasuko naman ni Disono ang isang 12 gauge shotgun.

Nasa kustodiya na ngRegional Civil Security Unit (RCSU) – Cordilleraang lahat ng mga armas na isinuko para sa kaukulang disposisyon.

Matatandaan noong Marso 29, 2022, naganap ang isang standoff sa tirahan ni Disono matapos umiwas ang kanyang mga security aides sa checkpoint ng COMELEC sa Pilar, Abra at sumilong sa kanyang tirahan. Ang insidente ay nagresulta sa mapayapang pagsuko ng 12 security aides ni Disono at ang pagsuko ng 14 na lisensyadong sari-saring armas.

Panawagan din ni BGen. Ronald Oliver Lee,regional director ng Police Regional Office-Cordillera sa mga pulitiko sa rehiyon at maging sa mga sibilyan na nag-iingat ng di-lisensyadong baril na tumalima sa kautusan at huwag hayaang umaksyon pa ang pulisya at makasuhan.