Kabilang ang Manila Bulletin sa mga pinagkakatiwalaang news brand sa Pilipinas, ayon sa Reuters Institute for the Study of Journalism's Digital News Report 2022 na inilabas nitong Miyerkules, Hunyo 15.

(MANILA BULLETIN)

Sa 15 news brands, pumangalawa ang Manila Bulletin na may trust rating na 66 na porsiyento. Napanatili nito ang pangalawang position mula pa noong 2021.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Nangunguna pa rin ang GMA Network na may trust rating na 70 porsiyento. 

Pumangatlo ang Philippine Daily Inquirer at Super Balita DZBB na parehong may 65 porsiyento ng trust rating; The Philippine Star, 64 na porsiyento; TeleRadyo, TV5 at DZRH, 63 porsiyento; Regional or local newspaper, 60 porsiyento; Radyo Pilipinas, 59 na porsiyento, PTV, 58 porsiyento; SunStar, 55 porsiyento; ABS-CBN, 52 porsiyento; Abante/Abante Tonight, 47 porsiyento; at Rappler, 46 na porsiyento.