Kung pinangarap mo ring sana ay magkaroon ng tunay na 'Squid Game' matapos itong mapanood (tanggalin lamang ang patayan), mukhang isa ka na sa 456 manlalarong hinahagilap ng Netflix para sa balak nilang pagdaraos ng totohanang larong ito, at mag-uwi ng tumataginting na $4.56 million bilang premyo.

“With the largest cast in reality TV history, 456 real players will enter the game in pursuit of a life-changing cash prize of $4.56 million,” saad ng streaming platform.

“Squid Game: The Challenge” is looking for English-speakers from around the globe, aged at least 21 and free to travel for up to a month in early 2023."

Huwag mag-alala, dahil hindi naman ito katulad ng mga nangyari sa pelikula na naging madugo ang bawat laro. Wala umanong mapapahamak sa mga manlalarong makakapasok sa kanilang 'biggest-ever social experiment' kahit "heart-stopping games" ang kanilang inihandang mga laro sa mga kalahok.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“The stakes are high, but in this game the worst fate is going home empty-handed,” pangako ng Netflix.

Matatandaang ang 'Squid Game' ay umikot sa paglalaro ng mga kalahok ng children games at kung sino ang matatalo ay mae-eliminate---sa pamamagitan ng pagpatay sa kanila.

Ang opisyal na anunsyo ay isinagawa nang ihayag ang pagkakaroon ng Squid Game season 2 na posibleng mapanood sa 2024, ayon sa direktor at creator nitong si Hwang Dong-hyuk.

May be an image of text
Larawan mula sa FB/Netflix Philippines