May patutsada ang manunulat na si Jerry Gracio kaugnay sa hindi pagkakakulong ng nanagasang SUV driver na si Jose Antonio Sanvicente.

Si Sanvicente angsumagasa sa security guard na si Christian Joseph Floralde sa Mandaluyong noong Hunyo 5.

Nitong Miyerkules, Hunyo 15, nagtungo ito sa Camp Crame at sumukokayPhilippine National Police (PNP) officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao kasama ang mga magulang at abogado. Binigyan ito ng PNP chief ng media time at sinabing hindi pa ito makukulong.

"Pag nakagawa ng krimen ang mayaman, puwede siyang magtago. Tapos, pag lumabas siya, magpapatawag ang mga pulis ng presscon para makapagpaliwanag 'yung mayaman," saad ni Gracio sa isang Twitter post nitong Miyerkules, Hunyo 15.

Tito Sotto, dismayado: 'What’s happening to our country Mr President?'

"Pag mahirap, huhulihin 'yun agad; pag minalas-malas, kukulatain, tatadyakan, bubugbugin. Mahirap maging mahirap," dagdag pa niya.

https://twitter.com/JerryGracio/status/1536988036696657920

Umani naman ng iba't ibang saloobin mula sa mga netizens ang kaniyang tweet.

"And worst...'nanlaban' pa ang mahirap!"

"Ito ang reality na gusto sana nating mabago. Pero ang mga taong gusto sana nating mabigyan ng pantay na proteksyon at karapatan ang mismong tumangging mabago ang estado nila sa lipunan."

"Batas dito sa pinas po pera.. hindi ko man lahatin ang mga pulis pero " BAYAD " na sila kahit nga yata abugado e ganun na rin manginlan ngilan na lng yung MATINO'T my Prinsipyo"

"I am beginning to untrust this PNP again. It took them years to brought back this TRUST and they risk it with this act. Sayang ka PNP."

"Pag mayaman , may pa prescon at may naka laan pang upuan sa suspect. Maayos ang suot. Pag mahirap nakatayo lang sa likod ng mga humuli, at agad agad naka suot na ng detainee's uniform. Pantay namn ang trato di ba?"

"Bakit nga ganon sa pinas pag mayaman kaioangan may pa presscon pag mahirap deretso na sa selda iba talaga sa pinas"

"walang kakampi ang mga mahirap sir. yung mga pulis sana pero pang mayaman lang sila. pag mahirap ka, kulong ka kagad kahit walang kaso pa"

"true sir at pag sobrang malas papatayin tapos sasabihin nang-agaw...si imelda convicted pero hindi nakakulong, si liela de lima nakakulong kahit walang napapatunayan sa kaso nya"

"Ang kaso po yun mga mahihirap pumipili ng mga leader, poltician mga inutil eh bobotante."

"Mahirap maging mahirap sa Pinas. Hard fact."

Samantala, naglabas din ng saloobin sina outgoing Senate President Tito Sotto at veteran journalist Karen Davila.