Hindi pinalagpas ni Renalyn Macato o mas sikat sa tawag na "Dolomite Queen" na hindi umeksena sa muling pagbubukas ng Manila Baywalk Dolomite Beach sa publiko noong Lunes, Hunyo 13.
Eksenadora si Dolomite Queen sa suot niyang blue swimsuit at bonggacious feathered costume.
Pinasalamatan naman ni Macato si Pangulong Rodrigo Duterte sa accomplishment na ito. Maaari na raw ihambing ang Dolomite Beach sa beaches sa ibang bansa.
"Ngayon po mas maganda na at mas malawak ang dolomite beach. Nag-costume ako para maiba naman, para bagong pasabog sa tao since may bago rin naman sa dolomite beach. Dapat pagmalaki natin yung pagbabago sa Manila Bay, pwede niyang i-compare sa Miami, Dubai, at ibang bansa po. Salamat Duterte and sa administration," saad ni Macato sa panayam ng Manila Bulletin.
Ito na ang ikaapat na beses na pagbisita ni Macato sa Dolomite Beach. Matatandaang naging usap-usapan ang kaniyang pagsusuot ng red swimsuit nang una siyang magtungo at umeksena roon.
Samantala, sa kaniyang Facebook post ay pinasalamatan ni Macato ang lumikha ng kaniyang bonggacious na kasuotan.
"Your Dolomite Queen 4.0! Manila Bay Dolomite Beach is NOW OPEN! Please wear MASK! Thank you Kano Francisco for my costume and Eriel Vargas," aniya.