Wala pa rin umanong balak si Department of Justice (DOJ)Secretary Menardo Guevarra na i-review ang kinakaharap na kaso ni Senator Leila de Lima sa kabila ng pagbawi ng mga testigo sa kanilang testimonya laban sa senador

Ang naging aksyon aniya ni Guevarra ay hindi nakapagtatala at patunay lamang na wala umano itong sariling desisyonsa mga usaping kinakaharap ng DOJ.

"Frustrating but not at all surprising or unexpected. I guess it waswishful thinking to expect anything different from Secretary Guevarra.Regrettably, it is still a Pontius Pilate act when he simply relied onthe so-called “assessment” of the very panel of prosecutors handlingthe cases," sabi nito.

Duda rin aniya itokung binasa ng kalihim ang testimonya ngpagbaligtad ni dating officer-in-charge ng Bureau of Corrections (BuCor) Rafael Ragos kamakailan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Noong 2016, nagsagawa ng imbestigasyon ang Senado kaugnay ng umano'y paglaganap ng iligal na droga as National Bilibid Prison (NBP) kung saan isinasangkot si De Lima.

Sa nasabing pagdinig, ibinunyag ni Ragos na siya ang nag-deliver ng P5 milyon sa bahay ni De Lima saParañaque City noong 2012. Ang nasabing pera ay galing umano sa pinagbentahan ng iligal na droga sa NBP.

Gayuman, ang nasabing testimonya ay binawi rin ni Ragos sa Pasig City nitong nakaraang Abril 30.

Si De Lima ay nakakulong pa rin sa Philippine National Police-Custodial Center mula nang maaresto sa kasong may kinalaman sa iligal na droga noong Pebrero 2017.