Inilabas ng OPM singer na si Richard Reynoso ang kaniyang obserbasyon at saloobin tungkol sa sunod-sunod na naka-schedule na concert ng foreign artists sa bansa.

Hindi naiwasan ni Reynoso na pagkumparahin ang sigla ng Pinoy audience kapag may foreign acts na mapapanood dahil sold-out kaagad ito, tinatangkilik, at mas malaki pa ang venue, kaysa sa concert ng ilang local artists na kadalasan ay sa mas maliit na venue na lamang ginagawa ang gigs.

"Halehalehoy mga kabayan!," panimula ni Reynoso sa kaniyang Facebook post nitong Martes, Hunyo 14.

"Mabuti pa ang mga ‘foreign acts’, kaliwa’t kanan ang pagtatanghal dito sa atin at sa mga naglalakihang venues pa. Samantalang ang karamihan sa ating mga kababayan, swerte nang makahanap ng ’gig’ para may maipakain sa kanilang pamilya."

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"Paano nga naman hindi magpupuntahan dito ang mga dayuhang ‘performers’, napakalaki ng kinikita nila dito sa atin. Samantalang kung tayo ang magpeperform doon, kailangang magbayad ng sangkatutak na requirements ang producer kasama na doon ang Artists Equity. Dito, ang babayaran lang nila sa Artist Equity ay ₱5,000 per foreign artist."

"Kahit na 20 miyembro pa nila ang dumating dito, sa mahal ng benta ng ticket nila, marahil 3-4 na tickets lang ang mabenta nila, bawi na nila 'yon dahil talagang napakababa lang."

Sa puntong ito, tila inilatag ni Reynoso ang kaniyang pananaw na puwedeng gawin para sa benepisyo ng local artists. Nanawagan siyang i-share ang kaniyang FB post upang makalampag ang mga kinauukulan at ma-address ang isyu, lalo't silang mga artist ang kinakalampag sa tuwing kampanya para sa halalan.

"Kung magagawa lang na kahit 1% lang ng gross profit nila ang makuha para sa equity, malaki na ang maitutulong nun sa benepisyo (health at funeral) ng mga artists natin sa dami ng mga dumarating. Maganda din sanang magkaisa ang mga kasamahan sa industriya para mabago itong maling sistema."

"Paglilinaw lamang po ha? This concern is not about me or our group, The OPM Hitmen. Huwag po sana nating kalilimutan ang mga kasamahan na nabubuhay sa mga puwesto o gigs na nawalan ng trabaho noong lockdown. Paano naman po sila? Yung mga iba pa dun me mga iniindang sakit."

"Sila po yung mga recipients ng fundraising events tulad ng Sing Out By The South noong pandemya na hanggang ngayon ay walang natatanggap na benepisyo."

"Baka kung i-SHARE, baka makarating sa kinauukulan at baka matulungan ang industriyang kinakalampag para tumulong sa paghakot sa madla para makinig sa kanilang talumpati… baka lang… sana."

Screengrab mula sa FB/Richard Reynoso

Sa dulo ng kaniyang post ay gumamit siya ng hashtags na "#protektahanAngSarilingAtin, "#paanoNamanAngPinoyArtists", at "#SanaPansininNgKinauukulan."