Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga - Dalawang rebelde ang sumuko sa pulisya sa Aurora at sa Nueva Vizcaya nitong Miyerkules, Hunyo 15.
Ayon kay Aurora Provincial Police director Col. Julio Lizardo, napadali ang pagsuko ni "Ka Jojo," taga-Baler, Aurora sa tulong na rin pulisya at iba pang ahensya ng gobyerno.
Bago sumurender sa pamahalaan, naging Political Guide muna ang nasabing rebelde ng Sandatahang Yunit Platoon (SYP) 2 Platoon Central ng Bagong Hukbong Bayan ng Aurora Provincial Committee (PCOM).
Isinuko rin nito ang isang Cal. 38 revolver at dalawang bala nito.
Sa Nueva Vizcaya, nagbalik-loob naman sa gobyerno si Rudy Umalio, 56, taga-Ambaguio ng nasabing lalawigan noong Hunyo 14.
Si Umalio ay boluntaryong sumuko sa Nueva Vizcaya Provincial Police sa tulong na rin ng Ambaguio Municipal Police, 1st Nueva Vizcaya Provincial Mobile Force Company and 86th Infantry Battalion ng Philippine Army (PA).
Naging miyembro aniya ito ng kilusan matapos i-recruit noong 1985 at nag-o-operate umano sila sa Ifugao, Nueva Vizcaya, kasama ang tinatayang aabot sa 60 pang rebelde.