Pansamantalang naantala ang operasyon ng Light Rail Transit-Line 1 (LRT-1) matapos tumirik ang isang tren nito sa Maynila nitong Miyerkules ng umaga.

Dakong 7:14 ng umaga nang tumigil ang isang tren ng LRT-1 na biyaheng Balintawak mula Baclaran, malapit sa United Nations (UN) Avenue Station.

Kaagad namang pinuntahan ng mga technician ang apektadong tren.

Bumalik na sa normal ang operasyon nito dakong 7:26 ng umaga, ayon na rin sa Light Rail Manila Corporation na nangangasiwa sa operasyon ng LRT-1.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Humingi rin ng paumanhin ang nasabing kumpanya dahil nadagdagan ng 15 minuto ang biyahe ng nasabing tren.

Bumibiyahe ang LRT-1 mula Roosevelt sa Quezon City hanggang Baclaran sa Parañaque City.