ILOILO CITY – Arestado sa buy-bust operation nitong Martes ng gabi sa bayan ng Pototan sa Iloilo ang isang drug dealer na dati nang nakakulong ng 10 taon.

Nakuha ng mga raiders ang hindi bababa sa P2.3-milyong halaga ng shabu mula kay Ryan Ace Pendon Jallorina sa isinagawang operasyon ng magkasanib na operatiba mula sa tatlong enforcement agencies sa Igang village.

Ayon kay Lt. Col Mark Anthony Darroca, hepe ng Police Regional Office-Reg 6’s Police Drug Enforcement Unit-6, nakuhanan si Jallorina ng 350 gramo ng shabu, kaya isa siyang high value drug personality.

Dati nang naaresto si Jallorina noong 2009 dahil sa kasong droga ngunit nakalaya mula sa kulungan noong Disyembre 2020.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Ang 41-anyos na si Jallorina ay tila bumalik sa illegal drugs trade big time.

“His mode of transaction is thru text and chat messages and upon confirmation of his customer, he immediately delivers the item,” ani Darroca.

Noong Martes ng gabi, naglunsad ng operasyon ang RPDEU-6, kasama ang Pototan Municipal Station at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-Iloilo), na humantong sa pagkakadakip kay Jallorina na magbabalik sa kulungan.

Pinuri ni Brigadier General Flynn Dongbo, PRO-6 director, ang mga operatiba ng pulisya.

“This accomplishment is a clear display of your utmost commitment and dedication to our campaign against illegal drugs,” sabi ni Dongbo.

Tara Yap