Abalang-abala na ang comeback duo nina Megastar Sharon Cuneta at Regine Velasquez para sa re-staging ng kanilang 2019 highly-successful "Iconic" concert ngayong darating na Biyernes at Sabado.

Ipinasilip ni Megastar sa kanyang Instagram ang paghahanda nila ni Regine para sa inaabangan nang repeat ng Iconic Concert sa Resorts World Manila.

Pag-amin ni Mega, “natutulog” pa rin ang kanyang singing voice matapos ang halos tatlong taong hindi pagtatanghal ng concert.

Gayunpaman, umaalalay si Songbird sa kanyang pagbabalik sa concert scene.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Samantala, mapapansin naman ang new look ni Mega sa ibinahaging snippet ng kanilang rehearsals nitong Miyerkules

Pagbabahagi niya, “Opo, nagpagupit ako. 😊 Dapat di ganito ka-short. Ang galing galing ng hairstylist ko always pero di ko na-explain sa kanya na dapat bob lang gusto ko para twins kami ni Nana.”

Si Mega, abala umano sa kanyang laptop habang ginugupitan dahilan para hindi niya mapansin ang ginagawang look ng kanyang hairstylist.

“Pagtingala ko nagimbal ako. Pagpasok ko sa room umiyak ako. Waaaahh😭😭😭”

Todo support naman ang fans ni Mega at sinabing lalong bumata ito sa kanyang new look.

“Short hair "says it all"💅 apaka-ganda mo mama babe. P.s. I love you🤍,” saad ng isang fan sa IG post ni Mega.

“Short hair makes you even more cuter ma Shawie! We’re so excited!❤”

“Don't worry mama, your haircut still fits on you! you're sooo prettyyyy pa rinnn🤍!! marami na naman pong nagbabalak magpa short hair because of u hahshshahhaha. Iloveyou, Ma🥰”

“Nice hair bagets look!😊”

Sa isang hiwalay na IG post, twinning pa si Mega at Songbird sa kanilang parehong short hair look.

“I love, love, love Regine soooo much! As a singer and performer, and even more as a person. She is family to me and always will be!🥰🥰🥰 Thank God for ICONIC in October of 2019 - Regine and I found each other! I found a sister!❤” mababasa sa caption ni Mega sa larawan nila ni Songbird.

Matapos maunsyami ay tuloy na tuloy na nga ang Iconic concert sa Hunyo 17 at 18.

Basahin: Kiber sa cancel culture! ‘Iconic’ concert nina Megastar, Songbird, tuloy na tuloy na – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid