Nakuha na ng Barangay Ginebra ang ikalawang panalo nang patumbahin nila ang Rain or Shine, 90-85, sa PBA Philippine Cup sa MOA Arena, Pasay City nitong Miyerkules ng gabi.
Sa unang bahagi ng laban ay umabot sa 18 ang abante ng Gin Kings matapos kumayod nang husto sina Japeth Aguilar, Scottie Thompson at Christian Standhardinger.
Hindi naman nagpabaya ang Elasto Painters nang maidikit pa ang laban. Gayunman, hindi na pumayag pa ang Ginebra na makontrol ng kalaban ang laro hanggang sa final buzzer.
Kumamada si Aguilar ng 23 puntos, pitong rebounds, nag-ambag naman si Standhardinger ng 13 puntos, at 14 rebounds at nakapag-ambag naman si Thompson ng 16 puntos, walong assists, anim na rebounds at dalawang blocks.
Ayon naman kay Gin Kings coach Tim Cone, kahit hindi pa sila preparado sa torneo ay nakahablot na sila ng dalawang panalo.
"We're happy with 2-0. It could have been 1-1, and 2-0 is really very good for us," aniya.
Sa panig naman ng Elasto Painters, nakaipon pa rin ng 15 puntos si Mike Nieto, 12 puntos naman kay Andrei Caracut at 10 puntos kay Gian Mamuyac.