Nauwi sa trahedya ang masaya sanang pagsakay sa zipline ng isang 31 anyos na lalaking nurse mula sa Tabuk, Kalinga noong Hunyo 12, matapos na aksidenteng natanggal ang pagkakahawak rito, nalaglag, nawakwak ang sumalo at kinahulugang safety net, hanggang sa tuluyang nahulog sa sementadong bahagi ng resort.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, pangalawang beses na umanong sumakay ng zipline ang biktima dahil wala namang nangyaring aberya sa unang ride.

Natanggal umano ang pagkakahawak ng kaniyang kamay sa zipline hanggang sa mahulog siya. Nasalo naman sana siya ng safety net subalit napunit ito kaya dumiretso siya sa ibaba. Bumagsak siya sa sementadong bahagi ng resort, sa gilid ng swimming pool, at hindi mismo sa tubig.

Ayon sa nakapanayam na information officer na si PSMS Ford Wassid ng Tabuk Police, wala umanong harness ang zipline.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

"Walang harness yung zipline. May hinahawakan, naka-hang ka na mag-slide. Kapag binitiwan mo 'yon, puwedeng bumagsak ka roon sa pool o sa safety net," aniya.

Naitakbo pa umano sa ospital ang biktima subalit hindi na nga ito naisalba pa dahil dead on arrival ito. Inaalam pa kung ano ang magiging pananagutan ng resort sa naturang insidente.