Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na magpapatupad sila ng gun ban sa magkahiwalay na inagurasyon nina President-elect Ferdinand Marcos, Jr. at vice presidential-elect Sara Duterte-Carpio.

Nillinaw ni PNP Director for Operations Brig. Gen. Valeriano de Leon nitong Miyerkules, na layunin nito na mapalawak ang security coverage para sa oath-taking ceremony ni Marcos sa National Museum sa Hunyo 30 at ni Duterte-Carpio sa Davao City sa sa Hunyo 19.

Sisimulan ang pagpapatupad ng gun ban sa Davao City sa Hunyo 16-21 at Hunyo 27 hanggang Hulyo 2 naman sa Metro Manila.

"The suspension covers the period of full preparations, deployment and implementations of the security measures for the oath-taking events of the two highest ranking officials of the country,” sabi nito sa panayam sa telebisyon.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Nanindigan ang PNP na sasamsamin nila ang mga baril ng mga lumalabag nito at pinag-aaralan naman nilang ipawalang-saysay angPermits to Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR) ng mga registered gun owner na hindi susunodsa kautusan.

Aabot sa 3,700 pulis ang ipakakalatsa inagurasyon ni Duterte at 6,000 pulis naman ang magbabantay sa panunumpa sa tungkulin ni Marcos.

“The security plans are ready. I just made some suggestions on the aspect of reliable communication lines and some specifics based on my experience in handling big events,” banggit pa ng heneral.