Natagpuang patay ang dating mamamahayag na si Alfredo "Fred" Lobo, sa loob ng kanyang condominium unit sa Maynila kamakailan.
Sa pahayag ng Manila Police District (MPD), natagpuan ang bangkay ni Lobo sa comfort room ng Unit 706, Vista Condominium sa2587 Taft Avenuecorner Vito Cruz St., Malate, dakonng9:05 ng umaga nitong Hunyo 13.
Pinaniniwalaang ilang araw nang patay siLobo nang matagpuan ang kanyang bangkay, ayon sa pulisya.
Si Lobo, dating reporter ng Manila Bulletin, ay naging Pangulo ng National Press Club (NPC) mula 1995 hanggang 1998 at kinilala rin
bilang "Mr Last Question" sa mga pulong balitaan ng Malacañang Press Corps, partikular sa panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Fidel Ramos.
"The National Press Club of the Philippines (NPC) joins the familyand friends of the veteran newsman Alfredo "Fred" Lobo, who serve asNPC President for 3 consecutive terms from 1995 to 1998 and has servedthe club with honor and distinction," pahayag naman ng NPC.