Sumuko na sa pulisya nitong Miyerkules ang driver ng sports utility vehicle (SUV) na sumagasa sa security guard na si Christian Joseph Floralde sa Mandaluyong noong Hunyo 5.

Si Jose Antonio San Vicente ay nagtungo sa Camp Crame, kasama ang ina at abogado, upang sumuko kay Philippine National Police (PNP) officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao, Jr.

Kaagad ding humingi ng paumanhin si San Vicente sa biktima at sa pamilya nito.

"My apologies sa nangyari. My apologies kay Mr. Floralde at kanyang pamilya," pahayag ni San Vicente.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Bukod dito, isinuko na rin ni San Vicente ang ginamit na SUV na may plakang NCO-3781.

Sa kabila nito, ipinagtanggol pa ni Danao si San Vicente matapos sabihing kaya tumakas ang driver dahil umano sa pangamba matapos sagasaan si Floralde sa panulukan ng Julia Vargas Avenue at St. Francis St., Mandaluyong nitong Linggo.

Pinawalang-saysay ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ni San Vicente nang hindi sumipot sa dalawang beses na pagdinig sa usapin.

Matatandaang umano ng batikos si San Vicente matapos mag-viral ang insidente.

Nasa kustodiya na ng PNP si San Vicente na nahaharap sa kasong frustrated murder at abandonment of one's victim.