Ipinagmalaki ng naging presidential candidate at Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso ang parangal at pagkilalang natanggap ng City of Manila mula sa Department of Health o DOH nitong Lunes, Hunyo 13.

Makikita ito sa kaniyang Facebook post sa kaparehong araw, kalakip ang kanilang mga litrato kasama ang ilang staff at ang natanggap na sertipiko ng pagkilala.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kinilala ang City of Manila dahil sa mataas na vaccination accomplishment rate nito para sa mga batang residente ng lungsod.

"Ngayong araw po ay tingganap natin ang isa na namang pagkilala para ating minamahal na lungsod," masayang saad ni Yorme Isko.

"Kinilala ng Department of Health ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila dahil sa 143% vaccination accomplishment rate nito na lagpas sa itinakdang 80% vaccination rate patungkol sa Chikiting Bakunation o pagbabakuna sa mga bata sa ating lungsod."

"Maraming salamat po sa Department of Health sa pagkilalang ito. Inaalay ko po ito sa mga kawani ng Manila Health Department sa kanilang walang-kapagurang paglilingkod sa ating lungsod," pagpapasalamat ng alkalde.