Mas inklusibong pride flag ang tampok sa mga bukana ng mga gusali ng National Museum of the Philippines bilang patuloy na pagsuporta sa LGBTQIA+ community ngayong Pride Month.

Hindi lang karaniwang mga kulay ng bahaghari ang tampok sa tinawag na “Progress flag” ng Pambasang Museo.

“Designed in 2018 by non-binary American artist and designer Daniel Quasar, the progress flag includes the six-colored Rainbow Flag, which was the hallmark symbol of (LGBTQIA+) pride, with an additional five arrow-shaped lines to put a greater emphasis on ‘inclusion and progression,’” mababasa sa Facebook post ng Pambansang Museo, Martes.

Ang bagong disenyo ay pagkilala sa “diversity” ng komunidad kalakip ang mga patuloy na panawagan para sa mas inklusibong lipunan.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“The additional colors, black and brown represent the marginalized LGBTQIA+ communities of color or People of Color (POC) and is meant to represent people living with HIV/AIDS, those who have died from it, and the stigma around the virus that is still existing up to now. The colors Pink, Baby Blue, and White represent people who are transitioning, intersex, or identify outside of the gender binary,” anang Pambansang Museo.

Ang Progress Flag ay parehong makikita sa mga bukana ng mga gusali ng National Museum of Anthropology, Fine Arts art Natural History sa Maynila.

Larawan mula National Museum of the Philippines/via Facebook

Larawan mula National Museum of the Philippines/via Facebook

Tiniyak ng pamunuan ng Pambansang Museo na patuloy nitong iwawagayway ang pride flag kasabay ng pagtataguyod sng gender fairness at inclusivity gayundin ang pagpapanatili na isang ligtas na lugar para sa LGBTQ+ community ang kanilang mga pasilidad.

Ngayong Hunyo 2022 ipinagdiriwang ang ika-52 Pride Month.