Sinabi ng Philippine Red Cross (PRC) na nananatili itong isa sa mga pangunahing supplier ng dugo sa bansa.

Ayon sa organisasyon, nasa 159,686 blood units na ang nakolekta nito, at 169,799 blood units ang naipamigay sa 96,567 na pasyente mula ng simula ng taon.

Nangako rin ang PRC National Blood Services na patuloy na maghatid ng sapat, ligtas, at de-kalidad na suplay ng dugo sa mga pinaka-mahina.

Tiniyak ng humanitarian organization na pinalalawak din nito ang network ng mga pasilidad ng dugo sa pamamagitan ng pagtatayo ng higit pang mga yunit sa mga estratehikong lugar.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Ang isang sistema ng paghahatid ng dugo ay iniaalok din ng PRC sa mga pasyente.

Alinsunod sa pagdiriwang ng World Blood Donor Day noong Martes, Hunyo 14, na may temang  “Donating blood is an act of solidarity. Join the effort and save lives,” hinimok ng PRC chairman at chief executive officer na si Senator Richard Gordon ang bawat malusog na Pilipino na regular na mag-donate ng dugo sa 100 pasilidad ng PRC.

“Sa pagdiriwang natin ng World Blood Donor Day, taos-puso kong pinasasalamatan ang lahat ng ating mga donors. Mula noong 1947 hanggang ngayon, ang Red Cross ang isa sa mga nangunguna pagdating sa blood services,” ani Gordon sa isang pahayag.

Luisa Cabato