Good news para sa returning overseas Filipino workers (OFW) na residente ng Navotas City!

Inanunsyo ng lokal na pamahalaan nitong Martes, Hunyo 14 ang OFW Emergency Employment Program na layong bigyan ng pagkakataon ang mga OFW na pinabalik sa bansa noong kasagsagan ng pandemya at kasalukuyan pa ring naghahanap ng papasukang trabaho.

Ang magsilbi bilang public servant sa loob ng anim na buwan mula Hulyo at Disyembrengayong taon, ang oportunidad na naghihintay para sa mga returning OFWs ng lungsod.

Hinikayat ng Navotas LGU ang kanilang returning OFW’s mula 2019-2021 at edad 20-55 taong-gulang, na magtungo at mag-apply sa Navotaas Hanapbuhay Center mula Hunyo 20-22.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Larawan mula NavotaAs Hanapbuhay Center/via Facebook

Ang mga sumusunod na requirements ang dapat dalhin sa mga nabanggit na petsa.

1. OFW Registration Form (galing po sa aming mga opisina)

2. ID photo (4 pcs, passport size, white background)

3. Certificate of Employment (last employer or agency)

4. 1 Valid ID

5. Resume

6. Barangay Certificate of Indigency

Para sa iba pang detalye, bukas ang linya ng Navotaas Hanapbuhay Center sa mga numerong 8281-7633. Maaari rin magpadala ng mensahe sa Facebook page ng nasabing tanggapan.