Nasa kabuuang 56 na bagon na ang nai-deploy ng pamunuan ng MRT-3 matapos dumagdag ang isang bagong overhaul na bagon nitong Martes, Hunyo 14.
Sa kabuuang 72 na bagon ng MRT-3, 16 na lang ang nakatakdang sumailalim sa overhauling o ang pagsasaayos ng mga bago nitong mga piyesa.
Ang Sumiyomo-MHI-TESP ang katuwang ng pamunuan sa lalo pang pagsasaayos sa serbisyo ng MRT-3.
“Dahil sa overhauling, mas komportable ang biyahe sa mga tren na hindi lang mabilis kundi mukhang bago at maaliwalas,” pagmamalaki ng Department of Transportation (DOTr) sa isang Facebook post.