Nakapanayam ng showbiz columnist at talent manager na si Ogie Diaz ang dating aktres at 'That's Entertainment' member na si Bunny Paras sa kaniyang latest vlog na inupload nitong Lunes, Hunyo 13.

Iniwan ng 90's actress ang kaniyang showbiz career dito sa Pilipinaspara palakihin ang kaniyang anak na si Moira sa Amerika, bunga ng pagmamahalan nila ng dati niyang kasintahan na si DJ Mo Twister noong siya ay 20-anyos.

View this post on Instagram

A post shared by Saira Bunny Paras (@sairabunnyparas)

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Ikinuwento ng aktres na humina ang mga proyektong inooffer sa kaniya nung maaga siyang nabuntis. Umabot din sa point na limitado na lamang yung mga roles na kaya niyang gampanan noong nagka-anak siya.

“I think dumating lang sa point na when I got pregnant early tapos yung nag-college din ako tapos humina na yung puro guestings na lang, especially after I had a kid parang yung mga roles limited na," sey niya.

"Hindi na yung mga pa-cute cute. So dun ko na lang naisip na after ko mag-college I did a regular job din sa hotels and then I decided why don't I try life away from the stress ng walang partner sa buhay tapos naiwanan ka ng may anak nang maaga. Parang you want to find greener pastures,” dagdag pa niya.

Sa kasalukuyan, nakahiligan ng dating aktres ang pagbi-bake. Kaya naman suma-sideline siya sa pagbebenta ng mga French macaroons.

“So baker Bunny macaroons kapag may time kayo kasi I need something to do for extra time lang para may pang ano lang, pang-gas, pang extra lang sa mga bata at sa pagbabayad ng bills," natatawang sabi niya.

Chika pa ni Paras na noong bago-bago pa lamang siya sa Amerika, nagtrabaho siya sa isang newspaper, advertising, marketing at iba pa.

“Actually, nung bago-bago ako rito nag-work ako for a newspaper, so, sanay ako sa mga event, sa mga concert, Pinoy concerts, advertising, marketing, so tumutulong akong magbenta ng mga tickets for a show tapos nakikita ko pa yung mga kasamahan ko sa industriya," sey niya.

“Minsan nga nagpa-fan mode ako kasi hindi ko pa sila nami-meet in person. Pero yung iba na na-meet ko na before ang sarap to reconnect. Yung iba naman ipinapakilala pa lang sa akin, siyempre nagpapa-picture din ako kasi I don't see them all the time probably once in every 10 years, 5 years so, enjoy ako to do that until when… I don't know.

“Hangga’t may bumibili ng tickets at mahal ako nung mga producer na tinutulungan ko then nakakapag-enjoy ako,” aniya pa.

Samantala, napag-usapan ang tungkol sa anak nila ni Twister. Si Moira ay 23-anyos na ngayon. Ipinanganak siya na may medical condition at noong 10 taong gulang siya na-diagnose ng mga doktor ang sakit na Friedreich’s Ataxia. 

“Nangyari carrier siya [si Mo] ng isang gene, ako carrier din na pag pinag-mix mo puwedeng magkasakit ang anak mo," paliwanag ni Paras.

“Hindi parating nangyayari yun pero puwedeng mangyari at nagkataong si Moira yung nagkasakit which means kulang siya ng certain protein which is frataxin and nalu-loose yung ability niya to walk and mga nerves niya nagwi-weaken, mga muscles niya nagwi-weaken until she ended up in a walker tapos pag nagda-dance o sumayaw parang lasing.

"After nun sinabi sa amin that after genetic testing para ma-figure out ano mismo dun yung prognosis, ano mismo dun yung mangyayari sa bata because she was only 10 years old nung finally na-diagnose siya nang tama," dagdag pa niya.

Kwento pa ng aktres na minsan ay nabubully sa school si Moira lalo na noong naka-walker pa ito pero kahit na ganun ay nakapagtapos siya ng kolehiyo at nagtatrabaho na ngayon sa isa sa mga Walt Disney World hotels sa Florida.

Itinanong ni Diaz kung ano ang role ni Twister sa mga bilang ama sa kanilang anak lalo na sa pinagdaanang hirap ni Moira.

“Wala akong nakitang effort, Ogs. Mabibilang ko lang," saad ni Paras.

“Fifteen, 16 nag-graduate ng high school yung anak ko, minessage niya, inimbita niya, pumunta sila. Mabait kay Moira, tsaka mga kapatid niya naaalala si Moira so akala ko everything’s gonna be okay kahit masama yung loob ko sa kanya because from three years old to 16 wala ka talagang nakitang help.Yung pag-sign lang niya ng adoption papers ng anak ko para yung asawa ko ang maging legal father," kuwento niya.

“Lumapit ako sa mommy niya para makakuha ako ng medical benefits para sa anak ko. I have to have my husband you know, legal father. Para hindi kami nahihirapan kasi ang daming kailangan medically aasikasuhin.

“So kung gusto kong mag-dwell doon which ayoko sana... ang dami niya po sigurong puwedeng participation sana kung gusto niya [Mo Twister] hindi ko nakita yung effort,” paglalahad pa ng dating aktres.

Tanong pa ni Ogie kung hindi ba nangulit si Paras para manghingi ng suporta kay Twister para sa anak nila.

“I did so many times. Ano ako, ghosting, dedma. Hindi ako pinansin. Siguro there are times na nag-aabot yung mommy niya ng $100 or $200 kapag kunwari may okasyon. There were times na merong konting $200 bata pa si Moira nun at saka nung newborn si Moira may mga gatas, diaper.Pero hindi siya yung sobrang libo ang expenses namin pagdating kay Moira,” sey niya.

Ayon pa kay Paras, wala na sa kaniya ang sustentong pera nais niya lang ay bigyan ng panahon ang kanilang anak. “Bigyan mo na lang ng panahon, ipasyal mo, make time. Iparamdam mo naman doon sa bata na part din siya ng immediate family mo, ayun yung sanang gusto kong mangyari.”

“Kasi pag nasa Vegas kami, taga Las Viegas siya (si Mo) ngayon. Siguro mga four years ago pag nag-ho-hotel kami, sasabihin ni Moira, ‘Oh they messaged me kasi grandma is there. Can they see me? Can grandma see me?’ Tapos sasabihin naman niya, ’Mo will pick you up from the lobby.’ Pinapayagan ko sabi ko ‘Go ahead, Moira...' So akala ko everything was good kahit papano,” pagre-recall ng aktres.

Nagpakasal si Paras sa kaniyang Fil-Am na boyfriend na si Thomas Greenway noong 2009 at mayroon na silang tatlong anak na sina Connor, Ariana, at Cody.

Si Greenway ang tumayong ama sa anak niyang si Moira simula noong 10 taong gulang ito. Kaya't gayon na lamang ang pasasalamat ni Paras sa kaniyang asawa.

"But when I met my husband, yung galit ko natakpan na ng pasasalamat na binigyan ako ng Diyos ng asawa na makakatulong sa aming mag-ina. Si Moira parang nakikita niya at nararamdaman niya yung pagmamahal niya kay Tom na naging daddy niya since 10 years old... so yun na talaga naging tatay niya," aniya.

Saad din niya na kung may galit sa kaniya si Twister ay huwag nang idamay si Moira.

"Mahalin niya.Hindi ko alam kung anong nasa utak niya eh. Kasi hindi naman mahirap mahalin ang sarili mong anak. Sarili mong dugo yan eh. Bakit ba parang ang hirap to see the genuine side of it? Ayun yung nahihirapan akong makita sa kanya. At tsaka napaka-lovable ni Moira.Nakakahiya nga parang panawagan pa, alam mo yun. Pero kung ayaw nila okay lang. Sanay na kami. We’ve learned to move on nang wala sila there consistently," sey niya.

Ngayon ay may sarili na ring pamilya si DJ Mo Twister. Pinakasalan niya ang kaniyang longtime partner na si Angelika Schmeing noong nakaraang taon.

Samantala, wala pang pahayag si Twister hinggil sa mga naging pahayag ni Paras.