Matapos maunsyami ng walong taon, ipinagmalaki ng Department of Transportation (DOTr) nitong Martes, Hunyo 14, ang malapit nang makumpletong United Grand Central Station na layong mag-ugnay sa pangunahing railway lines sa Metro Manila.
Ipinasilip ng transport agency ang mga larawan ng on-going United Grand Central Station o mas kilala bilang Common Station project sa pangunguna ni DOTr Secretary Art Tugade.
Ang nasabing istasyon sa North EDSA sa Quezon City na may 13,700-square meter na lawak ay layong magbigay ng “tuluy-tuloy at mas komportableng commuting experience ang publiko sa pamamagitan ng pag-uugnay ng apat na pangunahing railway lines—ang LRT-1, MRT-3, MRT7 at Metro Manila Subway.”
Samantala, hindi pa inanunsyo kung kailan pasisinayahan ang istasyon.